Sawakas. Naka’post din sa Tumblr, 1 month na yata ako hindi nakakapost dito. Hindi na ko updated. Haha

Yung Feeling na may album ka na kay Daniel. OHHHMAHHHGADDD! Wahaha. Mabuti nga nakakakuha pa ko. Sa dinami- dami kaya na gusto makabili nito, nakakuha din. Hindi talaga ko maka’getover :)))

Eto ang walang maipost. Sabaw :|

Eto ang walang maipost. Sabaw :|

May pasok na pala bukas.

Nasanay na kasi ko na araw-araw walang pasok. Minsan nga pagigising ko sa umaga akala ko saturday ayun pala weekdays, Mabuti nga lagi na lang ako nagigising before 6, kaya hindi naman ako nalalate. Pero nung friday, malapit na ko malate kasi naman wala ng sasakyan na dumadaan saamin. Kaya naglakad na lang ako papunta sa may highway.

Problema ko ngaun yung Religion teacher namin.

Kasi simula nung pumasok siya 1st impression ko magaling yata tong teacher na to kasi naman Sister siya, madre nga. Ayun pala ang hina ng boses niya eh tsaka bisaya pa. So ayun hindi namin marinig kung ano man yung sinasabi niya kahit nga nasa unahan pa ko nakaupo hindi ko parin naririnig boses niya. Tsaka mga classmates ko tinatawanan pa siya, Sama nga eh! Problema ko na tuloy ang Religion baka tamarin tuloy akong makinig at baka mababa yung grade ko.

Sana naman lagi akong sipagin magaral.

Kasi ngaun, parang nafefeel ko na sinisipag talaga ko magaral at sana tuloy tuloy na yun eh hanggang sa last day of school.  Kailangan na talaga kasi nextyear College na ko.

Good Afternoon :)

Happy Independence Day! No Classes kami hanggang bukas , Yeey! :D Kasi bukas pintakasi saamin yung parang fiesta, basta yun na yun. Ngaun na lang ako nakabukas again, Anyways ang init init na naman dito sa bahay hindi na naman ako mapakali.

Yung feeling na hindi ka nakapag tumblr for 6 days.

MASAKIT! Jk Haha Superrr busy lang kasi, lagi kaming nagprapractice pag school days tapos pagdating ko sa bahay pagod kaya hindi na nakaka OL. Kahapon naman nagpractice ulet kami. Walang katapusang practice. Haha ngaun na lang tuloy nakapag tumblr.

School Tomorrow.

This kinda sucks. Pero masaya narin kasi makikita ko na siya at mga friends ko na hindi ko na nakikita for 2.649.473 years. Jk HAHA Kinakabahan din ako kasi hindi naten alam kung saan section ba ko? at kung sino sino pa mga classmates ko at lalo na kung sino adviser ko. Lord help me :) Anyways Maaga na ko matutulog mamaya, Promise yan! Hindi na muna ko manonood ng PBB. Sayang naman kasi episode mamaya, yung pagpasok ng mga houseplayers tsaka yung reaction nila Yves at Myrtle. Sayanggg! Siguro next Saturday na lang ako manonood. 1 week yata ang orientation, Yeey tapos regular classes na nextweek.

8 days na lang, pasukan na naman.

Why you so fast? Hindi ko man lang napansin na June na pala. Goodbye SUMMER! 4th year na pala ko (senior citizen na) Haha 1 taon na lang mag’gragraduate na ko. Tssk Nakakalungkot naman ohh. Mixed Emotions ang nararamdaman ko, kalahati masaya at kalahati malungkot.

Masaya ako dahil

  • Makakasama na ulet kami ni ano tsaka mga friends
  • May baon na ulet :P

Malungkot ako dahil

  • No more Tumblr, facebook, tv
  • Stressful days
  • Mag’Cocollege na ko.
  • MATH na naman (ang pinakaayaw ko)
  • Gigising na naman ng maaga.

Sabi ni mama saken, Jessa 4th year ka na. Pagbutihin mo na ah? Last year mo na to. Magaral ng mabuti, Malapit ka na mag College. OO NGA MAMA, MAGAARAL NA TALAGA KO.

Full Body picture ni Bern. Sawakas na upload ko na rin. Yeey :)) Yan pala aso namin, 13 days na siya dito sa bahay. Medyo may kalakihan na. Ang takaw kasi ehh. Haha :P

RF: Mahilig ako sa mga pusa.

Since 5 years old pa lang ako mahilig na talaga ko sa pusa, nagsimula to nung pinahawakan saken nila mama yung pusa namin nung bata pa ko. Yung pinaka una naming pusa. Hanggang sa nahilig na ko. Kapag nakakakita ako ng pusa kahit nga sa palengke or kahit saan man na public places ay natutuwa ako. Hindi ko alam kung bakit? Sadyang Cat lover lang talaga ako. Sa ngaun ang pusa namin sa bahay ay tatlo, pero ngaun feeling pinapabayaan ko na sila. Simula nung dumating kasi si Bern yung aso namin na isa. Siya na lang yung lagi kong hinahanap at hinahawakan. Pero minsan hinahawakan ko parin yung mga pusa ko.